« makata | Main | minsan para sa isang mahal kong kaibigan na di ko na nakita »

ballpen

Nga pala kanina may weird na mama. bumili ako ng bolpen sa kanya tapos bago nya ako suklian, tianong nya ako ng "tiga-up ka ba?". sabi ko "opo, taga-up po"

mama: pwede bang ma-interview ka? (smile)

kat: nako late na po ko sa klase ko.. pero sige po. ano po yun?

mama: totoo ba na ayaw nyong mga tiga-up kay gloria? ha? ha?! (smile)

kat: hati po yung pananaw namin pagdating do...

mama: sagutin mo lang ako kung oo o hindi!

kat: ah kasi po...

mama: gusto mo ba kay susan?

kat: di po. (magpapaliwanag na dapat ng side na... eh di ko naman talaga gusto si susan at di rin naman kay gloria pero sinong presidente!?)

mama:ah hinde! hinde! tapos na ang usapan! wala na tayong paguusapan!

aba! at bigla ba naman ako inisnab! talikuran daw ba beauty ko! ayaw pa nga ata ibigay sa kin ung ballpen na nabayaran ko na ng sampung piso no! inentertain pa nya ako para bumili tapos sungitan lang pala ako ng hayop na yon.

naisip ko lang na if ever na magkakaroon na nang clash ang mga pro-gloria, pro-susan, at ang mga katulad kong sinusungitan! (haha! wala akong gusto sa kanilang dalawa pero kawawa ang pilipinas pag kay noli din napunta! at lalong pag kay susan! ewan!) mahihirapan tayong lahat. di ka pala talaga eentertainin nung iba.. basta against susan ka, babastusin ka na! aba! asan ang consumer rights  dito!?! di naman ako si gloria ah! ni wala pa nga akong sinabi na pre-admin ako nagconclude na kagad ang loko... ewan. ang labo ni lolo. haha. nakaranas na ako ng rejection galing kay lolong tindero. la naman ako gusto gawin. Gusto ko lang naman bumili ng nagba-blot nyang ballpen masisigawan pa! haha! pathetic itsura ko! hehe. Palayasin daw ba ko! shock na shok eh! hehe. katawa!

Comments

HAHAHAHAH You might think that this is a pointless comment, but oh well =) Definitely pro-Gloria, man. At least SHE went to school for it. Noli de Castro will only look good on the campaign posters, and Susan Roces will only look good on the bills... Not that Gloria's probably better, and I know I'm getting very limited stuff here since news has to be sorted through in order to get to the real stuff, but yeah... It's kinda sad thinking about how naloloko na ang mga Pilipino, pero sa tingin ko dahil lang 'yan sa illiterate ang madami... So that's my two cents!

mejo magulo. ang daming complications pero ganon naman talaga yun. si susan, definitely lang alam sa politics, sabi naman nung iba at least di nandaya, yung iba naman si noli na lang daw kasi sya naman "daw" talaga yung may karapatan kasi nga bise presidente, si gloria naman may pinag-aralan nga pero nahuli namang nandaya. given na nga na lahat ng asa gobyerno ay nandadaya.. hahah.. nagpahuli pa. ewan. basta alam ko guilty si gloria. iba kasi pag alam mong marami pang hocus focus siyang ginagawa. parang ang hirap sabihin na nakapag-aral naman. di ko talaga masabi na dapat tumuloy pa siya.. wala ngang presidente (yun talaga ang concern ko) pero ayoko ring si gloria ang umupo, lalo na sila tv personalities noli and susan. jan malabo pa ang utak ko. pero one thing's for sure... nanadya sya.. kahit sabihin pa nya na kahit di naman nya dinaya e mananalo sya, nandaya parin sya... basta ... eto ata ang pinaka pointless na comment ko.... ayoko kay susan, kay noli at kay gloria... ako na lang... =) sana iasng araw may dumating na mamumuno na talagang matino. welll, umaasa pa ako kahit sabihin pa ng mga tao na nangangarap lang ako.. at least kahit yung pag-asa nalang na galing sa ilan ilan e meron pa ang pilipinas. naks. love na love ko ba Pilipinas? pag laki ko... wala lang. malaki na ako eh. =D

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .